PNoy 'bagsak' ang grado sa mga guro

MANILA, Philippines - Muling binigyan ng gradong “bagsak” ng mga gurong miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) si Pa­ngulong Aquino habang papalapit ang ikalawang taon ng termino nito sa Hunyo 30 at pagdiriwang ng grupo sa ika-30 taon nilang anibersaryo.

Nagsagawa kahapon ng kilos-protesta sa Mendiola Bridge ang mga miyembro ng ACT kung saan tinuligsa ang Pa­ngulo sa kawalan ng oras umano sa mga guro makaraang tanggihan ang hiling nilang dayalogo dito upang personal na maidaing ang mga pro­b­lemang kinakaharap nila sa edukasyon lalo na sa pagpapatupad ng K to 12 Program.

“With this development, President Aquino’s “FAILED “mark on his Report Card from the “University of the People” stays,” ayon kay France Castro, secretary-gene­ral ng ACT.  

Kabilang sa dahilan ng bagsak na grado ang paglalaan ng pamahalaan ng $1 bilyon para ipautang sa International Monetary Fund (IMF) sa kabila ng paghihirap ng bansa lalo na sa edukasyon, pagpapatuloy sa K to 12 Program kahit na hindi handa ang bilang ng mga guro at imprastruktura at Kindergarten Program nang walang sapat na guro.

Show comments