VP Binay mainit na tinanggap sa Capiz

ROXAS CITY, Philippines —Nagpasalamat si Vice-President jejomar Binay sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga taga-Capiz kahit ‘inisnab’ siya ni Mayor Allan Celino kasabay ang pangako na magbabalik siya ditong muli.

Sinamahan si VP Binay sa kanyang morning routine na pag-eehersisyo sa city proper dito ng may 3,000 estudyante, NGO’s at mga barangay officials.

“Alam n’yo po, madalas akong mag-jogging ngunit ngayon lang ako nainitan ng ganito sa dami ninyong sumama sa akin,” wika pa ni Binay.

Magugunita na ipinagbawal ni Mayor Celino ang pag­lalagay ng mga welcome streamers sa mga stall owners at vendors sa pagdating ni Binay sa lungsod.

“Am I prohibited to come over? I have that responsibi­lity. I was elected to serve the people, I have the support of the administration. Especially para magkaroon tayo ng mabuting pamamahala,” dagdag pa ng bise-presidente.

Show comments