^

Bansa

Waiver ni CJ papatulan ng mga mahistrado ng SC

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kung ayaw man patulan ng ilang congressmen at se­nator-judges ang hamon ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona na maglabas ng waiver para sa kanilang mga dollar accounts, nagpahayag naman ang ilang associate justices na handa silang sumunod sa hakbangin ng punong mahistrado.

Kabilang sa pumapayag na magbigay ng waiver para mailantad ang kanilang dollar accounts ay sina SC Justices Arturo Brion, Roberto Abad, Martin Villarama at Jose Perez.

Wala umano silang itinatago kaya handa nilang patulan ang hamon ni Corona.

Samantala, kaugnay naman ng inaasahang pagpapalabas ng hatol ng impeachment court ngayong araw na ito, sinabi ng anak ni Corona na si Francis, sa isang text message na ipinadala sa media na ipinapaubaya nila sa Panginoon ang kahihinatnan ng kaso.  

JOSE PEREZ JUSTICES ARTURO BRION KABILANG MARTIN VILLARAMA PANGINOON ROBERTO ABAD SAMANTALA SUPREME COURT CHIEF JUSTICE RENATO CORONA WALA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with