Corona 'di pa lusot kahit mag-resign o magretiro

MANILA, Philippines - Siniguro ng Malacañang na kahit magretiro o magbitiw na lamang sa puwesto si Chief Justice Renato Corona ay hindi pa rin ito makakaligtas sa kaso.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, makakasuhan pa rin si Corona dahil sinisimulan na ng Ombudsman ang imbestigasyon laban dito sa umano’y unexplained wealth nito partikular ang pagkakaroon ng mga dollar accounts na hindi nakalagay sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Pinaalala ni Valte, ang sinumang public official ay hindi pa rin ligtas sa prosecution pagkatapos ng kanilang retirement o resignation.

Tumanggi din si Valte na ikumpara ang naging kaso ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez na nagbitiw na lamang sa puwesto bago masimulan ang impeachment case nito sa Senado.

Magugunita na pinayuhan ng kanyang doktor si Corona­ na magbitiw na lamang bilang punong mahistrado dahil sa kalagayan ng kalusugan nito.

Show comments