287 wanted nadakma

MANILA, Philippines – Umiskor ang mga ope­ratiba ng Philippine National Police (PNP) matapos masakote ang 287 Most Wanted Persons (MWP) sa loob ng 3 buwang operas­yon sa unang semestre (February-April) ng 2012.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Generoso Cerbo Jr., ang nasabing bilang ng mga wanted sa batas ay pawang naisyuhan ng warrant of arrest ng korte habang ang iba pa ay may nakalaang pabuya.

Sa database ng PNP, aabot sa 5,256 mga wan­ted sa batas ang target ares­tuhin ng lahat ng trac­ker teams mula sa Police Regional Offices at National Support Units.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng mga awtoridad sa iba pang wanted sa batas.

Show comments