Senatorial line-up ng NP, LP kinakasa na

MANILA, Philippines - Naghahanda na rin ang Nacionalista Party (NP) ng kanilang senatorial line-up para sa darating na 2013 election sa bansa.

Sa pulong balitaan sa Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni NP spokesman Ace Barbers na bukas din sila para sa pakikipag-alyansa sa ibang partido.

Ayon kay Barbers, isinasapinal na nila ang kanilang line-up at kabilang umano sa listahan ng NP sina Senator Alan Peter Cayetano, dating Congresswoman Cynthia Villar at dalawa pang hindi pinangalanan.

Samantala, sa darating na Hunyo pa pag-uusapan ng Liberal Party (LP) ang line-up ng kanilang senatorial pero matunog na ang pangalan nina Gen. Danny Lim, Congressman Rodolfo Biazon at anak nito na si Customs Comm. Ruffy Biazon, dating Akbayan Rep. Riza Hontiveros at dating Isabela Governor Grace Padaca.

Show comments