P14 umento sa Mindanao aprub

MANILA, Philippines - Inaprubahan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang P14 umento sa sahod ng mga pribadong manggagawa sa Central Min­danao o Region 12.

Ayon kay Labor Regional Director Chona Mantilla, sinang-ayunan na ng Regional Tripartite Wages and Producti­vity Boards (RTWPB) na itaas ang arawang sahod alinsunod sa Wage Order No. RB12-17.

Sa ilalim ng bagong wage order, papalo na ang arawang sahod sa pagitan ng P248 hanggang P270 mula sa dating P234 hanggang P260.

Ang unang bugso ani­ya ng umento ay ibibigay sa Mayo 1 kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day, habang ang panga­lawa ay sa katapusan ng Disyembre.

Sakop ng bagong wage increase ang mga manggagawa sa South Cotabato, North Cota­bato, Sultan Kudarat at Sarangani, at mga siyudad ng General Santos, Koronadal, Takurong, Kidapawan at Cotabato.

Show comments