16-anyos naglaslas ng pulso, nagbigti

TUGUEGARAO CITY  ,Philippines – Dahil sa labis na panibugho sa buhay at pag-ibig kaya nagdesisyon ang 16-anyos na estudyante na magpakamatay matapos maglaslas ng pulso at magbigti sa Barangay Maddarulog sa bayan ng Solana, Cagayan kamakalawa.

Bagamat tumanggi si P/Chief Insp. Zaldy Mallari na kilalanin ang biktimang menor-de-edad na nag-suicide, sinabi nito na 4th year high school student sa St. Paul University sa nasabing lungsod.

Ayon sa pulisya, na­tagpuan ng nakaba­batang utol ang duguang katawan ng bik­tima sa loob ng ka­nilang sala.

Narekober naman ang suicide note ng biktima sa text message na pinadala nito sa babaeng kakilala na inila­rawan ang mapait niyang karanasan sa pag-ibig.

Show comments