^

Bansa

600 na patay kay Sendong!

- Nina Ludy Bermudo, Ricky Tulipat at Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Hindi handa ang mga mamamayan ng Minda­nao na targetin ng bagyo dahil hindi umano ito typhoon prone area dahilan upang masorpesa sa pananalasa ni Sen­dong kung saan umabot na sa 600 ang bilang ng nasawi habang 281 ang nawawala at tinatayang nasa 12,473  ang nasa evacuation centers.

“Mindanao is not usually a typhoon prone area and residents were caught unprepared, mostly shocked by the flashfloods that swept away their belongings and source of livelihood such as crops and livestocks,” ayon kay Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon.

Kumbinasyon din umano ito ng sobrang lakas ng ulan sa loob ng ilang oras habang natutulog na ang mga tao.

Nasalanta ang taniman ng pinya na hindi naman sumisipsip ng tubig at nagkataong high tide pa umano nang pa­nahong umatake si Sendong.

Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi bunga ng ulat na marami pa ring residente ang nawawala.

Bukod sa Cagayan de Oro City, apektado rin ng bagyo ang Iligan City, Negros Oriental at iba pang lugar sa Visayas at Mindanao.

Tiniyak naman ni De­­puty Presidential Spokesperson Abigail Valte na bibisitahin ni Pangulong Aquino ang mga binahang lugar subalit hindi prayoridad ngayon ng Palasyo na sisihin ang sinuman sa biglang pagbaha bunsod ng bagyong Sendong.

Wika ni Valte, naka­pagbigay naman ng ta­mang warning ang PAGASA simula noong Dec. 14 subalit ng tumunog na daw ang kampana ay binalewala ng mga residente ito hanggang sa biglang lumaki ang tubig.

Nagpadala na kaha­pon ang gobyerno ng sup­lay ng tubig sa Cagayan de Oro. Walang tubig ang lahat ng ba­rangay dahil nasira ang dalawang production wells ng Cagayan de Oro Water District (COWD). Gagamitin sa pag-airlift ng tubig ang C130.

Maging ang Maynilad ay nagprisintang magbi­gay ng 1,500 piraso ng 500ml water bottles ha­bang in-offer ng Philippine Red Cross ang ka­nilang water bladders.

Sa kabila ng nali­kom na P10-milyong donasyon ng Philippine Red Cross, umaapela pa sila sa mga indibidwal at korporasyon ng karagdagan pang tulong sa North Mindanao.

Kabilang sa dapat big­yang prayoridad ang kakapusan sa pagkain at inumin kasunod ng ku­lambo, banig, damit at hygiene kits, kumot, school supplies, tsinelas at sapatos para sa mga kabataang mag-aaral.

Isa pang mahigpit na pangangailangan doon aniya, ang sasakyan dahil karamihan sa mga nasalanta ay isolated areas­ na dapat gamitan ng barko at eroplano.

Samantala, inaasa­hang nakaalis na kagabi sa bansa si Sendong ma­tapos na mamataan ito patungong Palawan.

vuukle comment

ILIGAN CITY

MINDANAO

NEGROS ORIENTAL

NORTH MINDANAO

ORO CITY

ORO WATER DISTRICT

PHILIPPINE RED CROSS

SENDONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with