Pagkamatay ni Kato kinumpirma na ng MILF

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang araw, opisyal na ring kinumpirma kahapon ng liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na patay na ang kanilang renegade Commander na si Ameril Umbra Kato.

Ayon kay MILF Vice Chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar, natanggap na nila ang impormasyong sumaka­bilang buhay na si Kato matapos na atakehin ng pangalawang stroke noong nakalipas na Sabado.

“We concluded that he’s dead as of today (Friday),” ani Jaafar matapos ang umano’y idinaos na “kanduli’ o pagtitipon para sa yumao ng pamilya at mga tagasunod ni Kato kung saan nagkatay ang mga ito ng dalawang baka sa kabundukan ng Central Mindanao.

Si Kato matapos tumiwalag sa MILF ay itinayo ang sarili nitong grupong Bangsamoro Islamic Freedom Movement. Sa kasalukuyan ayon sa report ay nagsasagawa ng pagpupulong ang BIFM sa Maguindanao upang desisyunan kung sino kina Ustadz Ibrahim at Ustadz Malik, kapwa pamangkin ni Kato ang successor nito.

Show comments