^

Bansa

'Daang matuwid' ni PNoy, sablay sa LTO?

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Tila sumablay umano ang “Daang Matuwid” ni Pa­ngulong Noynoy Aquino­ sa Land Transportation Office­ (LTO).

Sa 5-pahinang rek­lamo ng mga concerned employees ng LTO, si­nabi ng mga ito na ha­bang nananatiling ma­laki ang tiwala ni Pa­ngulong Aquino kay LTO Chief Virgie Torres, hindi naman umano nagiging epektibo ang huli sa pagkakaroon ng reporma at programa sa ahensiya.

Kinuwestiyon ng LTO employees na sa unang linggo pa lamang ni Torres sa posisyon ay naita­laga na agad nito si Internal Auditor Menelia Mortel bilang Head Executive Assistant at makaraan ang ilang buwan ay ginawang Operations Chief ng LTO at chairman ng Bids and Awards Committee na bawal umano sa batas dahil sa conflict of interest o pagkakaroon ng maraming posisyon.

Inisnab lamang umano ni Torres ang panawagan ng mga empleyado na isang posisyon lamang ang dapat nitong ipagkaloob kay Mortel.

Si Mortel ay malapit na kaibigan ni Torres noong ang huli ay nasa LTO-Tarlac pa.

Nangangamba ang mga empleyado na ma­gamit ni Mortel ang ma­dami nitong posisyon sa LTO dahil sa ulat na pagkakaloob umano nito ng authorization sa lahat ng aplikasyon ng Private Emission Testing Centre (PETC) kapalit daw ng halaga, gayundin ang pagbibigay ng “protection” sa mga PETC para magsagawa ng non-appearance testing at iba pa.

Giit ng LTO emplo­yees, agad imbestigahan ang sumi­ngaw na ano­malya ka­sabay ng hiling kay Pa­ngulong Aquino na ilagay si Torres sa hindi masyadong sensitibong posisyon sa DOTC tulad ng under­secretary.

vuukle comment

AQUINO

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

CHIEF VIRGIE TORRES

DAANG MATUWID

HEAD EXECUTIVE ASSISTANT

INTERNAL AUDITOR MENELIA MORTEL

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with