Kuryente tataas uli

MANILA, Philippines - Bubusisin sa Kamara ang Power Sector Assets­ and Liabilities Management (PSALM) dahil na­kaamba ang muling pagtaas ng singil sa kuryente.

Sabi ni Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, inihain na nila ang isang resolusyon sa House Energy Committee para makalkal ang mga dahilan ng muling pagtaas ng singilin sa kur­yente na nagpapahirap ng ma­laki sa mamamayan.

Ayon kay Colmenares, hindi dapat ipasa para masingil  sa mamamayan ang mga kapritso ng PSALM.

Kung anu-anong ari-arian ng PSALM ang ibi­nebenta pero hanggang ngayon ay mukhang hindi pa rin umano bumababa ang kanilang utang.

Sinabi ni Colmenares, hihimay-himayin nila kung bakit isinasama sa systems loss na ipinapasa sa mga consumer ang electric consumption ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) gayung na-privatized na ito.

Show comments