Gasolina bababa ng P5/litro

MANILA, Philippines - Dahil sa pagbagsak ng credit rating ng Amerika, tinaya ni Senator Ralph Recto, chairman ng Se­nate Committee on Ways and Means, na bababa ng P5.00 kada litro ang presyo ng gasolina kabilang na ang iba pang produktong petrolyo.

Ipinaliwanag ni Recto na lalakas ang halaga ng piso laban sa dolyar dahil sa pagbaba ng credit ra­ting ng Estados Unidos kaya tiyak na bababa rin ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Hihina aniya ang konsumo ng Amerika sa la­ngis dahil mawawalan ng kumpiyansa ang mga tao na gumastos kaya hihina rin ang demand ng mga produktong petrolyo sa nasabing bansa.

“Mahina ang ekonomiya ng Amerika dahil summer ngayon dun, dahil mahina yan walang kumpiyansa ang taong gumastos diyan, hindi magmamaneho masyado, hindi magpapalagay ng gasolina masyado so hihina ang demand ng gasolina kaya ngayon ang merkado bumabagsak ang presyo ng gasolina so pakinabang sa atin yun,” pahayag ni Recto.

Naniniwala rin si Recto na posibleng maging P40.00 kada dolyar ang palitan kung saan lalakas ang halaga ng piso na magiging daan din upang magkaroon ng mas ma­laking savings sa foreign loan ang pamahalaan.

Show comments