^

Bansa

'Tamaan sana ako ng kidlat kung gusto kong tumakas' - Leviste

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni dating Batangas Governor Jose Antonio Leviste na wala siyang intensyon na tumakas sa National Bilibid Prisons (NBP) matapos na umamin na umalis siya ng kulungan ng walang paalam.

“May lightning strike me if I have an iota to escape. I have begun to love this place,” ayon kay Leviste sa harap ng fact finding panel ng Department of Justice (DOJ) ukol sa paglabas nito ng kulungan.

Inamin ni Leviste na siya ang may kasalanan sa insidente dahil sa inakala umano niya na kapamilya na siya ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa “tree-planting project” niya sa NBP Compound. Tinangka umano rin niyang humingi ng permiso sa warden ng NBP ngunit hindi ito agad na makita kaya kusa na lamang siyang lumabas.

Sinabi din ni Leviste na pinangakuan siya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng executive clemency pero hindi ito nangyari.

Sinabi ni Leviste na alam niya na mali ang kanyang ginawa ngunit hindi itinuturing na may malaki itong epekto dahil sa hindi naman umano niya tangkang tumakas.  Hindi umano niya ito dapat ginawa at hindi na muling uulitin.

Matatandaan na inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Leviste sa labas ng kanyang opisina sa LPL Building sa Makati City nitong Mayo 18.  Ikinatwiran nito na matindi ang pananakit ng kanyag ngipin at nais niya itong ipagamot kaya lumabas ng kulungan.

Inako rin ni Leviste ang lahat ng kasalanan kung saan siya lamang umano ang dapat na maparusahan at hindi na madamay ang mga opisyales ng BuCor sa kanyang nagawa partikular na ang kanyang custodian na si Fortunato Justo.  Sinabi nito na abala umano si Justo sa pagbabantay sa iba pang hawak nitong bilanggo kaya hindi nalaman ang kanyang pag-alis.

Ibinulgar rin ng dating gobernador ang maluwag na seguridad na ipinatutupad sa Bilibid kung saan maaaring makalabas agad ng compound ang isang bilanggo.  Ginamit pa umano niya ang “main entrance” kung saan hindi man lamang sinuri ng mga guwardiya ang behikulong kanyang sinakyan palabas.

vuukle comment

BATANGAS GOVERNOR JOSE ANTONIO LEVISTE

BUREAU OF CORRECTIONS

DEPARTMENT OF JUSTICE

FORTUNATO JUSTO

LEVISTE

MAKATI CITY

NATIONAL BILIBID PRISONS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with