PNoy umaming may ka-date sa Valentines

MANILA, Philippines - Inamin ni Pangulong Benigno Aquino III na mayroon siyang “Valentines date” subalit tumanggi na pangalanan pa ito.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa media briefing matapos nitong inagurahan ang bagong pasilidad sa East Avenue Medical Center, gusto na lamang niyang maging pribado ang kanyang Valentines Day.

“Yes I have a Valentines date but I will keep it to myself,” wika pa ng Pangulong Aquino sa Palace reporters.

Aniya, bagama’t wala siyang day-off kahit na ito ay kanyang kaarawan, Pasko o Bagong Taon pero nakakahanap naman siya ng oras para makapag-relax.

Ang huling babaeng naugnay sa bachelor president ay ang bank broker na si Len Lopez na nakilala niya sa birthday party ng kanyang pinsan na si Tonyboy Cojuangco noong isang taon.

Samantala, ang birthday wish naman ng Pangulo sa kanyang bunsong kapatid na si Kris Aquino-Yap ay magpatuloy ang pagkakaroon nito ng peace of mind.

“Sabi ko sa kanya (Kris) na ipagdarasal ko na sana tuloy ang kagaanan ng kalooban nya, parang absence of problems at yung nakikita kong Masaya siya,” wika pa ng chief executive.

Show comments