'Ghost delivery' ng mga gamot sa BJMP nabisto

MANILA, Philippines - Dapat ipabusisi ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang napapabalitang mayroon umanong nangyaya­ring ‘ghost delivery’ ng mga gamot sa Bureau of Jail Management ang Peno­logy (BJMP) na sinasabing gamit ng mga presong nagkakasakit sa kulungan.

Sinabi ng reliable source, ang balitang kumakalat ay dapat makara­ting sa tanggapan ni SILG Jesse Robredo at BJMP director Rosendo Dial upang mabusisi at malabas ang katotohanan kung totoo man ang nangyaya­ring kalokohan para ma­nagot ang may sala.

Sabi ng reliable source, kailangan atasan ni Robredo ang internal affairs service nito para ma-audit ang records ng BJMP-NCR dahil may kumakalat na balitang may sabwatan para maniobrahin ang supply ng pagkain at gamot.

Show comments