Bulacan, QC, Valenzuela, Caloocan walang tubig sa Dis. 14 at 15

MANILA, Philippines –  Mawawalan ng suplay ng tubig sa bahagi ng Bulacan, Quezon City gayundin ang Valenzuela at Caloocan City mula Disyembre 14-15, araw ng Martes at Miyerkoles.

Ayon sa Maynilad Waters, ang water interruption mula hapon ng Martes hanggang hatinggabi ng Miyerkoles ay dulot ng gagawing repair sa 1,400-mm butterfly valve sa kahabaan ng Commonwealth Ave. kanto ng  Jordan Plains sa QC.

Ang mga lugar na apektado ng pagkawala ng tubig ay ang buong  Valenzuela City, Obando (Bulacan) Water District, Meycauayan Water District; Caloocan City sa Brgy. Kaybiga, Brgy. Llano at Brgy. Bagbaguin at sa Quezon City sa Brgy. Nagkaisang Nayon, Brgy. Capri, Brgy. San Agustin, Brgy. Novaliches Proper, Brgy. Sta. Monica, Brgy. Gulod at Brgy. Pasong Putik.

Show comments