P574-M jackpot sa 6/55 tamaan na kaya?

MANILA, Philippines - Nanatiling mailap ang suwerte sa mga mananaya ng Grand Lotto 6/55 draw matapos wala pa ring manalo sa nakaraang bola nito noong Sabado na umaabot sa P544 million ang jackpot prize.

Dahil dito, posibleng lumobo sa P574 million ang magiging premyo sa bola nito ngayong gabi bunga ng pagkabigong tamaan ang winning combination na 18-17-36–04–40-13.

Gayunman, ayon kay Liza Gabuyo ng PCSO, sa kabuuang 190,000 mananaya ay umabot sa 111 katao ang nanalo ng P150,000 bawat isa matapos makakuha ng limang kumbinasyon ng numero.

Kabuuang 8,153 mananaya naman na nakakuha ng apat na kumbinasyon ang nanalo ng tig-P2,000 habang 181,666 katao ang nanalo ng tig-P150 matapos makakuha ng tatlong numero.

Show comments