^

Bansa

PETC owners binalaan ng LTO sa non-appearance testing

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Binalaan ni LTO Chief Virgie Torres ang mga may-ari ng private emission testing centers nationwide na kanya itong ipasasara oras na mapatunayang nagsasagawa ng non-appearance testing sa operasyon ng pagsusuri ng usok ng mga sasakyan bago irehistro sa LTO.

“Pasensiyahan tayo, baka maubos kayo..kapag napatunayan naming nag non appearance testing kayo, sarado kayo,” pahayag ni Torres.

Una nang ikinalungkot ni Torres ang pagkabigo ng mga Petc owners na tupdin ang kanilang napag-usapan na gawing P300 na lamang ang emission test sa mga kotse at P150 sa motorsiklo.

Nais ni Torres na mai­baba ang singil sa emission test upang mabawasan ang gastusin ng mga vehicle owners nationwide.

Sinabi naman ni Tony Halili presidente ng Private Emission test Center Operators Association (Petcoa) na ang pagbabawas ng singil sa emission test ay maaari lamang maipa­tupad kung mawawala na ang direct connect facility ng Stradcom. Matatandaan na sinasabi na noon ni Halili na ang non-appearance ay nanumbalik ang sigla dahil sa Stradcom direct connect.

“Ang mga matitinong PETC ay halos di na kumikita dahil higit sa 30% ng mga sasakyan ay sa mga nagna-non-appearance napupunta,” dagdag pa ni Halili.

Iniulat naman ni Menie Mortel, chairman ng LTO Petc monitoring team na kailangang 80 per lane lamang sa isang araw o 80 sasakyan lamang ang maaaring isailalim sa smoke test ng alin mang Petc nationwide.

Kapag sumobra dito ang bilang ng mga sasakyang naisailalim sa smoke test ng isang Petc, dito na papasok ang non-appea­rance.

vuukle comment

BINALAAN

CENTER OPERATORS ASSOCIATION

CHIEF VIRGIE TORRES

HALILI

MENIE MORTEL

PETC

PRIVATE EMISSION

STRADCOM

TONY HALILI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with