Failure of elections idedeklara

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ng Comelec na malaki ang posibilidad na maideklara ang failure of election sa ilang lugar sa Lanao del Sur at Ma­guindanao.

Ayon kay Dir. Teofisto Elnas Jr. ng Election and Barangay Affairs Division (EBAD) ng Comelec, kasama sa mga inirekomenda na magkaroon ng failure of election ay sa mga bayan ng Tamparan, Butig at Tugaya sa Lanao del Sur at sa mga bayan ng Datu Unsay at Salibu sa Maguindanao.

Kabilang aniya sa mga nakarating na problema sa kanila ay ang pangha-harass sa mga election officer na naging dahilan para matakot na ang mga ito at hindi gampanan ang tungkulin.

Gayunman nilinaw ng opisyal na ang Comelec en banc pa rin ang pinal na magdedesisyon hinggil sa declaration ng failure of election.

Show comments