3 suspek sa bus bombing naaresto

MANILA, Philippines - Naaresto na ng mga kagawad ng pulisya at sundalo ang tatlong suspek na pinaniniwalaang sangkot sa pambobomba sa Rural Bus transit sa North Cotabato na ikinasawi ng 10 katao at pagkakasugat ng may 30 iba pa noong Huwebes.

Kinilala ang mga suspek na sina Torex, Kagui, at Shiang na pawang may apelyidong Ulama.

Nahuli ang tatlo sa kanilang hideout sa shariff district sa Cotabato city ganap na 1:30 Sabado ng hapon matapos na aminin ng isang 16-anyos na batang lalaki na tinaniman niya ng bomba ang bus sa utos umano ng mga suspek.

Nasa kustodiya ng PNP North Cotabato ang mga ito habang inihahanda ang kasong mutliple murder at frustrated murder laban sa kanila.

Show comments