^

Bansa

Tig-isang ninong, ninang lang sa binyag ng anak - CBCP

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Gusto ng Catholic Bi­shops’ Conference of the Philippines (CBCP) na limi­tahan sa isang pares lang ang kukuning ninong at ninang ng mga magulang para sa binyag at kumpil ng kanilang anak.

Ayon kay Fr. Melvin Castro, executive secre­tary ng CBCP-Episcopal Commission on Family and Life (ECFL), nakasaad sa Code of Canon Law na dalawa lamang ang dapat kuning baptismal spon­sors, isang babae at isang lalaki, na siyang ninong at ninang at ang mga ito na rin ang siyang tatayong isponsor ng bata sa kan­yang kumpil.

Paliwanag ni Castro, maraming magulang kasi ngayon ang kumukuha ng ma­raming ninong at ni­nang dahil ang ikinukon­sidera ng mga ito ay ang pagkakaibigan at kinakali­mutan na ang aktuwal na magiging papel ng mga ito sa binyag at confirmation ng kanilang anak.

Hinikayat din ni Cas­ tro ang mga magulang na “practicing Catholics” din ang kuning baptis­mal at confirmation spon­sors ng kanilang mga anak upang masi­guro na la­laki ang ka­nilang mga bata alin­sunod sa Ca­tho­lic teach­ings.

Hindi pabor ang Sim­ba­han kung ang kukuning ninong at ninang ay hindi Katoliko dahil sa tungkulin umano ng mga ito na turuan at gabayan ang mga bata hinggil sa ispi­rituwalidad.

vuukle comment

AYON

CATHOLIC BI

CODE OF CANON LAW

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

EPISCOPAL COMMISSION

FAMILY AND LIFE

HINIKAYAT

MELVIN CASTRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with