Kiko atras na sa SP race

MANILA, Philippines - Umatras na kahapon sa paghahangad na masungkit ang senate presidency si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Sinabi ni Sen. Pangilinan sa kanyang statement, aminado itong hindi niya makukuha ang kakailanganing 13 boto para mailuklok na lider ng Senado sa pagbubukas ng sesyon ngayong umaga.’

“Batid ko ngayon na may mga political realities at developments kung bakit hindi natin makuha ang 13 votes na nagre-resulta sa deadlock o stalemate. Ang di pagkakaisa ng mayorya sa Senado para makapili ng isang lider ay hindi maganda para sa Senado at indibidwal na senador. Gustuhin ko man ipagpatuloy ang laban hanggang sa huli, batid ko na sa pagpapatuloy na ito mananatiling hati at watak ang senado. Naniniwala ako na makakatulong ako sa pagkakaisa sa Senado sa aking boluntaryong pagtigil sa kampanya,” ayon kay Pangilinan.

Idinagdag pa ni Kiko, napakahirap na karanasan ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Senado lalo na para sa kanyang pamilya na inaasahang maaapek­tuhan.

Sa pag-atras ni Pangilinan ay si Sen. Manuel Villar ng Nacionalista Party ang posibleng makaharap ni Enrile sa senate presidency ngayong pagbubukas ng sesyon ng Senado.

Show comments