Binay nanumpa na bilang HUDCC chair

MANILA, Philippines - Nanumpa na kahapon bilang housing czar si Vice-President Jejomar Binay kay Pangulong Noynoy Aquino sa Malacanang.

Si VP Binay ang bagong chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Pagkatapos ng panunumpa ni Binay ay magkasama na sila ni Pangulong Aquino sa Cabinet meeting na ginanap sa State Dining Room ng Palasyo.

Naunang sinabi ni P-Noy na bukod sa pagiging housing czar ay itatalaga din niya si Binay bilang chairman ng Task Force on OFWs.

Show comments