OPS vehicles tinanggalan ng wang-wang, blinkers

MANILA, Philippines - Boluntaryong inalis ng Office of the Press Secretary (OPS) ang lahat ng wang-wang at blinkers ng mga sasakyan nito bilang pagtupad sa inaugural speech ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi ni Francisco Escamillas, officer-in-charge ng motorpool division ng OPS, iniutos niya ang pagtanggal ng lahat ng sirena at blinkers ng 6 na Toyota Innova, 1 Starex, 1 Adventure van at 1 Pajero.

Ilan sa mga OPS vehicles na ito ay ginagamit bilang press bus o sasakyan ng mga Malacañang media na bumu­buntot sa presidential convoy sa mga presidential acitivities.

Sa batas, ang mga puwede lamang gumamit ng wang-wang at blinkers ay ang mga patrol car ng pulisya, motorcycle cops, ambulansiya, fire trucks, Office of the President, Office of the Vice-President, Senate President, Chief Justice at Speaker of the House of Representatives.

Samantala, bawal na rin ang pag­gamit ng sirena o wang­-wang sa mga nagi-escort ng mga VIP’s kabilang ang mga foreign­ dignitaries.  

Show comments