'Manok' ng Lakas sa speakership hindi si GMA

MANILA, Philippines - Nagdesisyon na ang partidong Lakas-Kampi-CMD na hindi si outgoing President at Congw.-Elect Gloria Macapagal-Arroyo ang kanilang mamanukin bilang susunod na House Speaker kapalit ni outgoing House Speaker Prospero Nograles.

May 35 administration congressmen na nag-caucus sa isang lugar sa San Juan para pag-usapan at itulak si Albay Rep. Edcel Lagman bilang kalaban ni Quezon City Rep. Sonny Belmonte Jr., ng Liberal Party.

Ayon sa ilang political observer sa Kongreso, dahil sa pagkakapanalo ni Senator Noynoy Aquino bilang pangulo ng bansa inaasahan nilang maraming lilipat ng partido sa Liberal Party.

Sinabi ng mga ito, number game ang labanan sa Kongreso para makakuha ng boto.

Show comments