Panalo ni Gibo tiniyak

MANILA, Philippines - Inaasahan ni Sarangani Governor Migs Dominguez na hahakot ng 12 milyong boto mula sa Mindanao si Lakas-Kampi-CMD presidential bet Gilberto “Gibo” Teodoro matapos ang puspusang pangangampanya dito.

Tiniyak din nito na magiging “Gibo Country” ang Vi­sayas. Bukod dito, nagsagawa ng malaking miting de avance ang “Team Gibo” sa Maynila sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan. Dito ay humakot din si Teodoro ng daang-libong suporta.

Ayon kay Teodoro, pinili niya ang Mayo 7 para isa­gawa ang nasabing miting de avance dahil ito ang kaarawan ng kanyang yumaong ama na si dating Social Security System Administrator Gilbero Teodoro Sr.

Unang nanguna si Teo­doro sa mga mock poll sa mga unibersidad at kolehiyo at online surveys ng BusinessWorld at Manila Bulletin at sa pinakabagong tracking poll ng Campaigns and Image Group.

Umaasa pa rin ang Team Gibo na mala-landslide nito ang boto sa Visayas at Mindanao region dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga opisyal at mamamayan dito.

Show comments