Barangay executives lumipat kay Noel

MANILA, Philippines - Sunod-sunod nang naglipatan ang mga barangay officials sa kampo ni Malabon City Congresswoman Jaye Lacson-Noel kasunod naman ng pag-abandona ng mga ito sa kanilang dating sinusuportahang kandidatong para sa pagkakongresista.

Malugod namang tinanggap ni Lac-son-Noel ang mga opisyal na nagpahayag na ng suporta sa kanya. Kabilang dito ang mga kapitan ng mga Barangnay Bayan-Bayanan, Catmon, Concepcion, Hulong-Dihat at Tanyong.

Ayon kay Lacson-Noel, mas magiging mabilis ang pagpapatupad ng kanyang mga proyekto sa tulong na rin ng mga barangay officials na aktibong tumutulong sa kaunlaran ng buong lungsod. Pinasalamatan din niya ang naturang mga opisyal sa pagsuporta sa kanya.

Show comments