Genuino liyamado kaya sinisira

MANILA, Philippines - Lamang na lamang sa kan­yang mga kalaban sa mayoral race sa Los Baños, Laguna si Anthony “Ton” Genuino kaya pinupukol siya ng kung anu-anong isyu para ma-disqualify sa halalan sa Mayo 10.

Si Genuino, anak ng butihing Pagcor Chairman Efraim Genuino, ay nangungunang kandidato sa pagka-alkalde ng Los Baños. Ito’y dahil naman sa malinaw niyang plataporma na kailangang-kailangan ng mamamayan di­to sa maunlad na bahagi ng Laguna.

Nakasaad sa platapor­ma ng ba­tang Genuino ang pagpa­patibay sa Los Baños ng ser­bis­yong pang­­kalu­sugan, mga prog­­­­ra­mang pang­kabuha­yan, ka­ru­nungan at katahimikan para sa maayos na pamayanan.

Sa murang edad na 28, si Genuino ay ma­ra­ming beses nang pinarangalan bilang mahusay na lider at negosyante. Ito ang mga kalidad na kailangan para lalo pang umasenso ang Los Baños.

Dahil sa kanyang ma­ayos na plataporma, pilit siyang pinapa-disqualify ng kan­yang mga kala­ban.Kinu­kuwestiyon ang kan­yang residente, gayung siya’y nakareshistro sa Los Baños gamit ang kanyang residence address na Trace College sa El Danda, Batong Malake sa pamamahala ni Bgy. Chairman Nilo Lapiz.

Show comments