^

Bansa

Gibo nag-ninong sa anak ni Chavit

-

BAGUIO CITY, Philippines - Wala umanong halong pulitika ang pagi­ging ninong ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert Teodoro Jr. sa kasal ng anak ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson kamakalawa sa Vigan City.

Sinabi ni Teodoro, tumayong ninong ni Ryan Luis Singson sa kasal nito kay Patricia Savellano na anak naman ni Gov. DV Savellano, iginagalang niya ang pahayag ni Chavit na nasa proseso pa sila ng pagkuha ng consensus ng mga local officials ng Ilocos Sur.

Wika pa ni Gibo sa kanyang luncheon meeting sa Gibo media team na ginanap sa Gerry’s Grill sa SM-Baguio, patuloy niyang nililigawan hindi lamang si Chavit kundi ang iba pang pulitiko sa bansa para makuha ang kanilang suporta. Katuwang ni Teodoro sa Singson-Savellano wedding na itinuring na wedding of the year sa Ilocos Sur ay si Pangulong Arroyo. (Rudy Andal)

vuukle comment

CHAVIT

GIBO

GILBERT TEODORO JR.

ILOCOS SUR

ILOCOS SUR GOV

PANGULONG ARROYO

PATRICIA SAVELLANO

RUDY ANDAL

RYAN LUIS SINGSON

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with