^

Bansa

Duterte pinasasagot

-

MANILA, Philippines - Marapat lamang na sagutin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kung saan napunta ang nawawalang P3.3 bilyong asset o pondo ng pamahalaang-lunsod.

Ito ang reaksiyon ni dating Davao City Mayor Benjamin de Guzman na nagsabing sa panahon lamang ni Duterte nangyari ang kahalintulad ng kuwestiyonableng pagkawala ng mga ari-arian sa kanilang lunsod.

Ayon kay De Guzman, noong siya pa ang alkalde, pinangalagaan niya ang bawat sentimo at ari-arian ng lunsod kaya nagpahayag siya ng kalungkutan sa report ng Commission on Audit higgil sa nawawalang mga asset at pondo sa Davao.

Kumbinsido si De Guzman na marapat lamang na ipaliwanag ni Duterte kung saan nito dinala o kaya’y ginamit ang nasabing pondo.

Sinasabi sa report na nagsimulang hindi mai-account ang may P2.9 bilyong mga asset noon pang 2006 at unti-unting lumobo noong mga sumunod na taon na umabot sa P3.3 bilyon. (Mer Layson)

vuukle comment

AYON

DAVAO

DAVAO CITY MAYOR BENJAMIN

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DE GUZMAN

DUTERTE

GUZMAN

MER LAYSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with