Mayon tuloy sa pag-alburoto

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagpapa­kita ng pag-aalboroto ang bulkang Mayon sa naka­lipas na 24-oras.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) nana­natili ang pagtaas ng bilang ng seismic network ng bulkan na nakapagtala ng may 1,051 volcanic earthquakes.

Umaabot naman sa 66 na ash explosions ang naobserbahan ng Phi­volcs sa bulkan kung saan kulay abo ang nailu­luwang usok mula sa bunganga na may taas mula 100 hanggang 1,000 metro papunta sa timog kanlurang direk­siyon.

Nakapagtala naman ang bulkan ng 6,737 me­triko toneladang pagluwa ng asupre kahapon ha­bang patuloy din ang paglikha ng ingay ng bul­kan na animo’y kumu­kulog sa loob ng bulkan na may 280 beses sa nakalipas na 24 oras

Patuloy naman ang pagbaba ng kumukulong kulay pulang putik sa may bahagi ng Bonga-Bu­yuan, Miisi at Lidong gullies

Patuloy na pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa paligid ng bulkan na mag-ingat at huwag papasok sa iti­nakdang 10 kilometer danger zone sa paligid ng bulkan. (Angie dela Cruz)

Show comments