5 bagong mahistrado inilagay sa CA

MANILA, Philippines - Nagtalaga kaha­pon ang Malacañang ng limang bagong mahistrado ng Court of Appeals (CA).

Sa transmittal letter na pinadala ni Executive Secretary Eduardo Ermita sa tanggapan ni Supreme Court Chief Justice Rey­nato Puno, kabilang sa mga itinalaga ang mga sumu­sunod na hukom: Edwin Sorongon, Ramon Cruz, Agnes Carpio, Ange­lita Gacutan at Socorro Inting.

Ang limang bagong justice ay ipakakalat sa mga sangay ng CA sa Maynila, Cagayan de Oro at Cebu.

Samantala ngayong araw ang pormal na pagbi­bitiw sa puwesto si SC Associate Justice Leonardo Quisumbing matapos na sapitin niya ang edad na sitenta. (Gemma Garcia)

Show comments