Mga hayop, may holiday na rin

MANILA, Philippines - Idedeklarang special non-working holiday ang Oktubre 4 bilang “National Pet Day” para pag­kilala sa kahalagahan ng mga ala­gang hayop. 

Sa Senate Bill 3485 na inihain ni Senador Miriam Santiago, isinaad nito na da­pat magkaroon ng ka­alaman ang publiko sa pagpapahalaga sa mga alagang hayop na bukod sa kinagigiliwan ay naka­tutulong pa sa kalu­sugan, dahil may mga hayop na itinuturing na therapy animals tulad ng aso na na­katutulong sa pagtatang­gal ng stress at nagbibigay ng seguridad.

Sa pag-aaral, lumi­litaw na nababawasan ng 2% ang tsansa na mag­karoon ng heart attack kung nag-aalaga ng hayop.

Ang Oktubre 4 ang feast day ni St. Francis of Assissi na patron ng mga hayop at kalikasan.

Sa ngayon ay may 71 milyon pamilya na ang nag-aalaga ng hayop ngu­nit hindi nabibigyan ng tamang pag-aalaga.

Ang nasabing sena­dora ay nalilibang din nga­yon sa pag-aalaga sa hindi hihigit na sampung aso. (Malou Escudero)

Show comments