^

Bansa

5 dam sa Luzon kritikal na

-

MANILA, Philippines - Limang pangunahing dam sa Luzon ang malapit nang umapaw kayat patu­ loy ang pagpa­pakawala dito ng tubig at malamang na mag-overflow ito kapag tumindi ang ulan na dala ng bagyong Pepeng na ma­aaring mag­bunga ng pag­baha sa mga komunidad na nasa ibaba nito.

Ang Binga dam at Am­buklao dam sa Benguet, Angat dam sa Bulacan, Pantabangan sa Nueva Ecija, at Magat dam sa Isa­bela ay patuloy na nagla­labas ng tubig mula pa noong kasagsagan ang paghagupit ng bagyong Ondoy at malamang na magpatuloy hanggang nasa bansa pa si Pepeng, ayon kay PAGASA hydrologist Socrates Paat Jr..

Samantala, sinabi ni Edgar Manda, administrator ng Laguna Lake Development Authority na ang lawa ng Laguna ay kasalu­kuyang nasa 14 metro ang lalim at ilang metro na lamang ay aabutin na nito ang pinakamataas na re­cord level na 14.5 meters noong taong 1919.

Maaari anyang tumaas pa ang tubig sa Laguna lake dahil sa ulan na lilik­hain ni Pepeng. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANG BINGA

ANGAT

ANGIE

BENGUET

EDGAR MANDA

LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY

NUEVA ECIJA

PEPENG

SHY

SOCRATES PAAT JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with