Nalalaman sa Dacer-Corbito ibubunyag: Erap huhubaran ni Lacson

MANILA, Philippines - Tila may pagba­banta si Senador Pan­filo “Ping” Lacson ng sabi­hin nitong isisiwalat sa kanyang privilege speech ang la­hat ng nalalaman sa pag­pa­­ tay kay Salvador “Bub­by” Dacer at driver nitong si Emmanuel Cor­bito.

Ito aniya ay dahil sa walang tigil ang pag­banat sa kanya nitong mga nakaraang linggo lalo na ni dating P/Senior Supt. Cezar Man­cao kaya pa­nahon na aniya para ita­ma ang mga “facts” base na rin sa imbestigasyong gina­wa niya.

Gayunman, iginiit pa rin ni Lacson na wala siyang kinalaman sa na­turang kaso at maging sa Oplan Delta na sina­sabi ni Mancao.

Aniya, iikot at sesen­tro din ang kanyang ma­ha­bang privilege speech hinggil kay dating pa­ngulong Joseph Estrada at sa issue ng jueteng.

Kabilang pa sa mga ibubulgar ni Lacson ay ang tunay na nangyari sa sabay na pagtakbo nila ni Fernando Poe Jr., bilang pangulo noong 2004, para malinawan aniya ang taumbayan sa tunay na pagkatao ni Erap bilang dating opis­yal ng gobyerno. Subalit gagawin niya ang lahat ng ito ng walang halong politika.

“Gusto ko lang ma­im­pormahan ang pub­liko sino talaga si Joseph Estarada noong president, vice president at government official,” ani Lacson.

Show comments