Mancao umiyak sa korte

MANILA, Philippines - Napaiyak si dating Philippine National Police Senior Superintendent Cesar Mancao nang makita niya ang dating mga pulis na kasama niya sa buwag nang Presidential Anti-Organized Crime Task Force sa pagpapatuloy ng pag­dinig sa kasong pagpas­lang sa publicist na si Salvador Dacer at driver nitong si Emmanuel Cor­bito.

Kitang-kita ang pamu­mugto at pamumula ng mata ni Mancao nang lu­mabas siya sa sala ni Manila Regional Trial Court Judge Myra Garcia-Fer­nandez branch 18.

Ayon kay Atty. Alex Avi­sado, tagapagsalita ni Se­nador Panfilo Lacson na kabilang sa isinasangkot sa kaso, tila nakunsensiya si Mancao nang muling ma­kita at mayakap ang kan­yang mga dating ka­sama­hang pulis na ngayon ay nakapiit sa Manila City Jail at umano’y kanyang ipinag­kanulo sa kaso.

Iginiit ni Avisado na hindi naman nila masisisi si Mancao sa kanyang gina­wang affidavit dahil kailangan din nitong isalba o iligtas ang kanyang sarili at kanyang pamilya mula sa pamahalaan. Aniya, ang desisyon ni Mancao ay du­lot ng pressure at bribery.

Subalit inamin umano ni Mancao na may access siya sa Malakanyang noong siya pa ang hepe ng PAOCTF-Luzon dahil di­rekta siyang nagrere­ port kay dating Pangu­long Joseph Estrada. (Doris Franche)

Show comments