Bagong gasolina inilunsad

MANILA, Philippines – Pormal nang inilunsad kahapon ng Seaoil Philippines ang pinakauna at pinakabagong produktong gasolina na may mataas na octane level na sini­mulan nang ibenta sa mga gasolinahan nito sa Metro Manila.

Ang Extreme 97 na may 97+ octane rating, may mahusay na performance, mababang presyo at environment friendly ay tumutulong sa kapaligiran para maibsan ang polus­yon sa hangin mula sa mga sasakyan ng may 10 percent dahil ito ay 10 percent ethanol.

Aabutin lamang ito ng halagang P39.05 kada litro na higit na mas mababa ang halaga kung ikukum­para sa mga gasolina sa ibang gas stations sa bansa na may 10 percent ethanol.

Sinabi ni Art Cruz, marketing director ng Seaoil, na ang Extreme 97 ay mabibili sa Metro Manila mula kahapon at magiging sa buong bansa sa susu­nod na mga buwan. (Angie dela Cruz)


Show comments