'Nat'l day of celebration' hindi holiday

MANILA, Philippines – Nilinaw kahapon ng Malacañang na ang idi­neklarang “national day of celebration” sa Biyernes para sa pagwawagi ni pound for pound boxing champion Manny Pac­quiao ay isang “working holiday”.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, may pasok sa darating na Biyernes at hindi ito non-working holiday.

Sinabi ni Sec. Remon­de, ang pagdedeklara ni Pangulong Arroyo ng “national day of celebration” ay para lamang ipagdi­wang ng buong bansa ang pagwa­wagi ni Pac­quiao laban kay Ricky Hatton.

Inaasahang darating sang Team Pac­quiao nga­yon mula sa Estados Uni­dos at mag­hahandog na­man ng isang “luncheon” ang Ma­lacañang sa Biyer­nes para sa pambansang kamao. (Rudy Andal)


Show comments