^

Bansa

Japanese contractor itinangging nagmiting sila ni Mike Arroyo

-

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Japanese contractor na na­ unang inireport na nagdawit kay First Gentleman Mike Arroyo na utak ng manipu­lasyon sa mga project bidding ng pamahalaan na nakipag-pulong siya sa Unang Ginoo.

Dahil dito, tahasang si­ nabi ni dating Surigao Rep. Prospero Pichay na kasinu­ngalingan ang nilala­man ng controversial World Bank reports hinggil sa umano’y korapsiyon at ka­tiwalian sa mga proyekto ng gobyerno.

Partikular na sinabi ni Pichay ang mismong paha­ yag ng Japanese contractor na si Tomaro Suzuka na walang miting na namagi­tan sa kanya at nina FG Mike Arroyo at ang nama­yapang dating senador na si Robert Barbers.

Iniulat sa mga pahaya­gan ang bahagi ng WB report na nagsasabi na mis­mong si Suzuka ang nag­bunyag na minsan na siyang nakipagpulong kina FG at Barbers at ang pinag-usapan ay ang suhulan sa mga proyektong may pon­do galing sa mga banya­gang nagpapautang.

“Eh kung ang mismong sinasabi sa ulat ng World Bank na taong nagsabi na sangkot si FG at sa nama­yapang senador sa katiwa­lian ng mga proyekto ang nagpahayag na hindi totoo ang naturang akusasyon, ang ibig lang sabihin ay palpak at kasinungalingan ang WB report,” pahayag pa ni Pichay.

Sinabi ni Pichay na ka­pag hindi napatunayan ang mga paninira sa mga per­sonalidad na isinasangkot ng World Bank report ay dapat umanong papana­gutin ang mga taong nasa likod ng malisyosong ulat kahit sila’y opisyales man ng makapangyarihang bangko sa mundo.

Idinagdag ng dating Solon na “kahit ang kani­lang mga kakutsabang pu­litiko sa Pilipinas at mga kontraktor na talunan sa project bidding ay kaila­ngang managot din sa mga malisyosong pambibin­tang.” (Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

MIKE ARROYO

PICHAY

PROSPERO PICHAY

ROBERT BARBERS

SHY

SURIGAO REP

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with