Mindanao death toll: 70 na

Umakyat na sa 70 ka-tao ang nasawi habang 78 pa ang sugatan sa nagpa­patuloy na girian sa pagi­tan ng tropa ng pamaha­laan at MILF sa Central Min­danao.

Batay ito sa pinaka­huling tala ng National Di­saster Coordinating Coun­cil kung saan ang mga bik­tima ay mula sa Regions 10, 12 at Autonomous Re­gion in Muslim Mindanao.

Umaabot na sa 104,838 pamilya o ka­ tumbas ng 501,709 na indibidwal ang apektado at nasa P38.   330 milyon naman ang pin­ sala sa mga ari-arian kabi­lang dito ang sa impras­trak­tura at agri­kultura.

Samantala, idineklara ng International Commit­tee of the Red Cross ang sitwasyon ngayon sa Min­da­ nao bilang pinakamalala sa nakalipas na limang taon o simula noong 2003. (Danilo Garcia)

Show comments