Edu binira ni Enrile

Binalaan kahapon ni Sen. Juan Ponce Enrile si Optical Media Board Chairman Edu Manzano sa patuloy na pagtangging tawaging “senador” si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. matapos silang mag­karoon ng palitan nang maaanghang na salita.

Ayon kay Enrile, isang kayabangan sa panig ni Manzano ang hindi nito pagrespeto kay Revilla at sa tanggapan nito at lumalabas na hindi na rin nito nirerespeto ang Senado.

Ayon pa kay Enrile, masyado siyang nadidismaya kay Manzano dahil hindi ito tumitigil sa pag-atake kay Revilla na  Chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media.

Si Revilla rin ang chairman ng Congressional Committee on the Optical Media Board.

Sinabi pa ni Enrile na mali ang  sinasabi ni Manzano na nakikialam si Revilla sa trabaho ng OMB.  (Malou Escudero)

Show comments