Top 3 justices inendorso ng SC

Tatlong kandidato ang inendorso ng Korte Suprema sa Judicial and Bar Council (JBC) para sa mababa­kanteng posisyon sa kanilang hanay, kung saan kabilang dito si Sandiganbayan Presiding Justice Teresita Leonardo-De Castro, ang nagbaba ng verdict sa plunder case ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Sa naganap na botohan sa SC en banc, pumasok sa top three candidates sina Court of Appeals (CA) Justices Martin Villarama Jr., Edgardo Cruz at si de Castro.

Kandidato rin sina Labor Secretary Arturo Brion at Sandiganbayan Justice Edilberto Sandoval.

Dahil ito sa pagreretiro ni SC Associate Justice Cancio C. Garcia sa Oktubre 20, 2007 sa pagsapit niya sa man­datory retirement age na 70.

Ang JBC ang nagpapadala ng short list sa Mala­cañang na siyang pagpipilian ni Pangulong Arroyo para italaga sa Mataas na Hukuman subalit naging tradisyon nang kunin ng konseho ang opinyon mismo ng SC jus­tices na bumo­boto para sa kani-kanilang mga manok para sa posisyo­n. Nakatakda namang magbotohan sa Lunes ang mga mi­yembro ng JBC para sa mga nominado. (Ludy Bermudo)

Show comments