Oil players nagtaas ng presyo

Inihayag kahapon ng mga oil companies na Shell at Total na nagdagdag sila ng 50 sentimo kada litro sa presyo ng gasoline, diesel at kerosene dahil na rin sa paggalaw ng halaga nito sa world market

Sinabi ng Total na ipapatupad nila ang bagong presyo mula hatinggabi ngayong Lunes, samantala nauna nang nagtaas kahapon ng hatinggabi ang Shell.

Inaasahan namang susunod na rin sa panibagong oil price hike ang iba pang mga kumpanya ng langis na Petron, Caltex, Seaoil at Flying V. (Edwin Balasa)

Show comments