BOC official kinasuhan ng Ombudsman

Sinampahan ng Ombudsman ng mga kaso ng katiwalian ang kasalukuyang director ng Enforcement and Security Services ng Bureau of Customs na si Nestorio Gualberto.

Ang mga kasong isinampa ng Field Investigation Office ng Ombudsman sa katauhan ni Officer 2 Atty. Maria Olivia Elena Roxas laban kay Gualberto ay Grave Misconduct, Dishonesty and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service at ang hindi pagsumite ng kanyang Statement of Assets and Liablities and Networth (SALNs); at sa kasong kriminal naman ay paglabag sa Section 8 (a) na may kaugnayan sa Section 11 ng Republic Act 6713 o unexplained wealth.

Sa lifestyle check na isinagawa ng Ombudsman, napatunayang si Gualberto ay hindi nagdeklara ng kanyang mga pag-aari na matatagpuan sa Brgy. Nonong Castro, Lemery, Batangas na nakarehistro sa kanya at sa kanyang esposa. Natuklasan din na ang kanyang mga anak na walang trabaho ay nagmamay-ari ng real states sa naturang lugar.

Nabunyag din na si Gualberto ang nagmamay-ari ng 1997 model Mitsubishi Pajero na kanyang ginagamit bagama’t ito’y rehistrado sa pangalan ni Edgardo M. Gualberto na binili ng cash.

Hiniling ni Atty. Roxas sa Ombudsman na si Gualberto ay dapat isailalim sa 6 buwan na preventive suspension ng walang suweldo habang iniimbestigahan ang kanyang kaso.

Show comments