^

Bansa

DOJ mas gustong ’wag munang bumalik sa Pinas si Atong Ang

-
Kung si Justice Sec. Raul Gonzalez ang masusunod, mas gugustuhin nitong manatili na lang muna sa Estados Unidos si Atong Ang hangga’t hindi pa naibababa ang desisyon sa kasong plunder ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Ayon kay Gonzalez, anumang sasabihin ni Ang, pabor man o laban sa dating Pangulo ay makakaapekto sa kaso.

Gayunman, ayaw ng kalihim na hilingin sa gobyerno ng US na panatilihin pa roon si Ang dahil posibleng mapahiya lamang siya kung hindi ito papaburan ng US.

Kasabay nito ay lumiham si Gonzalez kay Special Prosecutor Dennis Villa Ignacio upang alamin ang magiging hakbang ng piskal sakaling matuloy na nga ang pagbalik sa bansa ni Ang.

Sinabi ni Gonzalez na kabilang sa mga posibleng mangyari kung magsasalita si Ang kaugnay sa kasong punder ay muling mabubuksan ang kaso ng dating Pangulo, magkakaroon ng 2nd trial o di kaya ay maisailalim sa hiwalay na paglilitis matapos madesisyunan ang kaso ni Erap. (Grace Amargo-dela Cruz)

vuukle comment

ATONG ANG

AYON

ESTADOS UNIDOS

GONZALEZ

GRACE AMARGO

JUSTICE SEC

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

RAUL GONZALEZ

SPECIAL PROSECUTOR DENNIS VILLA IGNACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with