Solon namatay

Isang miyembro ng Mababang Kapulungan ang pumanaw kahapon dahil sa kidney failure nito.

Nasawi dakong ala-1 ng hapon si Northern Samar Rep. Romualdo Vicencio sa National Kidney Institute sa Quezon City.

Kaagad namang iniutos ni House Speaker Jose de Venecia ang paghahanda para sa isang necrological service para sa namayapang mambabatas na nasa ikatlo nitong termino at miyembro ng House Electoral Tribunal.

Isang resolusyon na nagpapahayag ng pakikidalamhati ng Kamara sa pamilya ng 72 anyos na solon ang inihain nina Northern Samar Rep. Harlin Cast Abayon at An-Waray Rep. Florencio Noel. (Malou Escudero)

Show comments