San Juan bumaligtad na raw

Bumaligtad na umano si 1st Lt. Lawrence San Juan at ibinulgar ang sinasabing mastermind at financier na mga maiimpluwensiyang personalidad kabilang ang ilang pulitiko na nasa likod umano ng bigong kudeta noong Pebrero 24.

Ayon kay Army chief Lt. Gen. Hermogenes Esperon Jr. nasa panig na ng gobyerno si San Juan at tinalikdan na ang grupo ng Magdalo. Ani Esperon, umamin si San Juan na napagtanto niyang ginagamit lamang siya ng mga pulitikong kalaban ni Pangulong Arroyo sa pulitika.

Duda naman si Atty. Roel Pulido sa biglang pagbabago ng desisyon ng kanyang kliyente dahil sa ngayon ay salita pa lang ni Esperon ang nangingibabaw.

Subalit hindi na anya niya ipinagtataka sakali mang totoo ito dahil na rin sa hirap na dinanas nito sa kulungan. (Joy Cantos)

Show comments