^

Bansa

Polusyon sa Metro Manila lumalala

-
Kailangang seryosohin ng pamahalaan ang kampanya nito laban sa mga smoke belchers dahil masyado ng mataas ang antas ng polusyon bunga na rin ng walang humpay na pagbuga ng nakakalasong usok ng mga sasakyan sa Metro Manila.

Ayon kay Sen. Manny Villar, chairman ng Senate committee on public order, dapat na higpitan ang pagpapatupad ng emission test batay na rin sa Republic Act 8749 o ang "Clean Air Act" na inakda niya noong siya pa ang pinuno ng Mababang Kapulungan.

Hiniling ni Villar sa Land Transportation Office (LTO) na maging istrikto at huwag payagan ang mga sasakyang bagsak sa emission test.

Ani Villar, ang air pollution ang dahilan ng pagdami ng mga sakit sa kabataan partikular na ang respiratory tract diseases o impeksyon.

Sa ulat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), pang-lima ang lungsod ng Maynila sa buong mundo kung ang pagbabatayan ay polusyon. Nangunguna ang Beijing, Shanghai sa China, New Delhi sa India, at Jakarta sa Indonesia.

Umaabot naman sa 144 microgram per normal cubic meter ang total suspended particles o TSP sa Metro Manila kung saan ang standard ay dapat 90 microgram per normal cubic meter. (Rudy Andal)

vuukle comment

ANI VILLAR

CLEAN AIR ACT

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MABABANG KAPULUNGAN

MANNY VILLAR

METRO MANILA

NEW DELHI

REPUBLIC ACT

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with