^

Bansa

4-day work week bubuhayin

-
Planong ipatupad muli ng pamahalaan ang 4-day work week bilang isa sa mga hakbanging makapagpapabawas sa konsumo ng enerhiya sa panahon ng krisis.

Ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, sa implementasyon ng 4-day work week noong nakaraang taon ay nakatipid ang gobyerno ng P150 milyon sa konsumo ng enerhiya, bukod pa sa nagdulot din ito ng pampasigla sa lokal na turismo nang hindi naman nasakripisyo ang paglilingkod pampubliko.

Sinabi ni Bunye na ang pagtitipid at pagbabawas sa konsumo sa enerhiya ay muling nabigyang diin sa panahong ito na patuloy na tumataas ang presyo ng krudo sa world market.

Ilan pa sa alternatibong hakbang para makatipid sa langis ang pagpapatupad ng daylight saving time, pagbabawas ng araw ng trabaho para sa mga empleyado ng gobyerno, pagpapasada ng mga bus na gumagamit ng compressed natural gas, paggamit ng taxi at jeepney na pinatatakbo ng LPG at pagkakaroon ng takdang oras sa pagpapasada ng mga bus. (Lilia Tolentino)

vuukle comment

AYON

BUNYE

ENERHIYA

ILAN

KONSUMO

LILIA TOLENTINO

PLANONG

PRESS SECRETARY IGNACIO BUNYE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with